303

Aug 15, 2018 @ 20:10
By

Anti-drug players ayaw mag-resign si PDigong

UMAASA ang mga namumuno sa Department of Interior and Local Government (DILG)at Dangerous Drugs Board (DDB) na hindi totohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sinabi na nais na nitong magbitiw sa posisyon.

Sinabi ni Interior officer-in-charge Eduardo Año na nagtatagumpay ang war on drugs dahil sa determinasyon ng Pangulo na sugpuin ang droga sa bansa.

“Our vibrant energy in fighting drugs comes from his leadership and hindi isguro mangyayari lahat ito kung hindi dahil sa kanyang sincerity and conviction to fight drugs,” ayon sa opisyal.

Samantala, ikinumpara ni DDB Chairman Catalino Cuy sa isang malaking korporasyon ang industriya ng droga sa bansa.

Kayat aniya ang determinasyon ng Punong Ehekutibo ang kailangan para labanan ang mga sindikato.

Umaasa ito na tatapusin ng Pangulo ang kanyang termino hanggang 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?