38

By

Anti-doping program para sa SEAG, hihimayin sa TOPS ‘Usapang Sports’

Importanteng talakayan ang pag-uusapan sa 28th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports dahil tatalakayin ang 30th Southeast Asian Games anti-doping program, Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Magbibigay si Dr. Alejandro Pineda, head ng Philippine Anti-Doping Organization (PHINADO), ng update sa preparasyon sa anti-doping ng bansa para sa SEA Games.

Makakasama nito para sa weekly sports program si Pocari Sweat Events and Marketing Manager Nelia Ramos.

Ilan pa sa mga maggu-guest sa sports forum sina Pilipinas Sambo Federation, Inc. (PSFI) secretary-general Paolo Tancontian, Chino Sy Tancontian, Patrick Manicad, Jedd Kim, Patrick Dos Santos at coaches Ace Larida, Jasmin Kim at Paolo Vitug; at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director Martin “Binky” Gaticales.

Tatalakayin ni Tancontian ang Russian martial arts ng sambo at ng kanilang newly-formed association na ni-recognized ng Philippine Olympic Committee nitong General Assembly noong Hunyo 2018.

Naiuwi nina Sy, Tancontian at Manicad ang gold medals sa men’s sambo events sa 2nd Southeast Asian Sambo Championhips na ginanap sa Kota Bandung, Indonesia.

Samantala, ibabahagi naman ni Gaticales, director ng Philippine Executives Chess Association (PECA), ang kanyang mga plano para sa ikakaayos ng nationwide event na “Search for the Next Super GM” para sa susunod na limang taon.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at miyembro ng TOPS na um-attend sa sports session na kabalikat ang Philippine Sports Commisison, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Mapapanood ang session ng TOPS sa Facebook live via Glitter Livestream ni actor-director Carlo Maceda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?