4

By

Anti-doping bill sa sports, sinusulong sa Kongreso

Sharing is caring!

Lumutang ang isyu ng doping at banned substance sa larangan ng palakasan sa Pilipinas matapos masuspende ng 18 buwan ang Gilas guard na si Kiefer Ravena sa kaparehong violation.

Kaya naman inihain ni Antipolo City Rep. Cristina Roa-Puno ang House Bill 8544, o ang ‘Anti-Doping in Sports Act’, para maiwasan ang kaparehong insidente katulad ng sa basketball player.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Puno na ang doping sa sport ay nagbibigay ng ‘di pantay na adbantahe sa mga kompetisyon, bukod pa ang masamang epekto nito sa kalusugan.

Kanyang idiniin na kailangan nang mapagtibay ng batas kontra sa doping para na rin masunod sa sports ang mga prinsipyo tulad ng pagiging patas at transparency pati ang magandang kalusugan ng mga atleta sa buong bansa, at ang karapatan ng mga sports competitor na sumali sa mga torneo na doping-free.

Iginiit din ni Puno ang matinding pangangailangan sa nasabing batas para masiguro ang partisipasyon ng bansa sa susunod na Olympics sa mga susunod na taon.

“When we think about doping, we immediately think drugs, but substances banned by the World Anti-Doping Agency (WADA) can also be found in dietary supplements and may even be in grocery and food items found in health food stores and online. This is why it is important that we act fast and safeguard our athletes from these banned substances,” pakli ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?