62

Jul 26, 2019 @ 13:17
By

Anti-Dengue Day isatupad na – Recto

Hinikayat ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto ang gobyerno na magdeklara ng “Anti-Dengue Day” para mapalawak ang kaalaman ng publiko at kumilos para laban ang sakit na ito.

Ayon kay Recto, kailangang pumili ang Malakanyang ng isang araw kada taon para isagawa ang aktibidad kung papaano laban ang mosquito-borne disease na hindi lang ‘seasonal’ kundi ‘year-round’ na.

“An Executive Order declaring a national fight dengue day or week will be better,” sabi ni Recto sa isang statement.

“Kung mayroong isang araw na ipapakita sa tao kung paano lalabanan si Aedes Aegypti na siyang atin Public Enemy No. 1, malaking tulong ito sa overall campaign. Lalo na doon sa isyu ng kalinisan,” dagdag nito.

Naunang nang naglungsad si Health Secretary Francisco Duque ng programa laban sa dengue, “Four S”, na ang ibig sabihin ay “search and destroy”, “self-protection measures”, “seek early consultation”; at “support fogging” subalit sabi ni Recto kailangan pagandahin pa itong mabuti.

“Maganda na ang mga ito. Packaging na lang. Kung mayroong isang focal day na puno ng activities na lalahukan ng mga paaralan, opisina, pagawaan at malls, lalong tataas ang ating national DQ – dengue quotient,” ani Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?