0
views

By

Anti-corruption drive ni Duterte, marami nang natamaan – Palasyo

Sharing is caring!

Ipinagmalaki ng Malacañang na marami ng mga tiwaling taga-gobyerno ang nalagas at naalis sa puwesto dahil sa seryosong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra korapsiyon.

Inihayag ito ng Palasyo kasunod ng pre-sona assessment sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, marami ng mga opisyal ang sinibak ng Pangulo mula gabinete hanggang sa mga lokal na opisyal kabilang na dito ang 17 opisyal kaugnay sa isyu ng Boracay.

“Sibak, Sibak, Sibak” has been the President’s consistent battlecry with officials including those holding Cabinet rank not spared from the Administration’s anti-corruption drive. In addition, seventeen (17) local officials now face charges in court in connection with the Boracay mess, 186 local officials were withdrawn from police deputation, and 57 complaints against local officials were investigated,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na naaksiyonan na rin at nabigyang solusyon ang mga reklamo laban sa mga taong-gobyerno na idinaan sa government 8888 hotline kayat magtutuloy-tuloy ang kampanya hanggang sa tuluyang malinis ang burukrasya sa korapsiyon.

“We have likewise acted on complaints from the public coursed through the government’s 8888 hotline with more than 20,000 transactions made with an average resolution rate of 93.2% in 2017,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?