52

Oct 6, 2017 @ 15:20

Anti-corruption commission, ‘di uubra vs Ombudsman – Drilon

Hindi kalaban kundi posible pang maging katuwang ng Ombudsman ang Presidential Anti-Corruption Commission ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ng mga senador kasunod ng paglagda ni Pangulong Duterte sa Executive Order 43 na nagbubuo sa nasabing komisyon.

Ayon kina Senador Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang kumisyon ay may law enforcement power pero walang prosecutorial powers kung kaya’t anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon nito ay irerefer pa rin sa Ombudsman.

Iginiit pa ni Drilon na sakop lamang ng kumisyon ang mga opisyal at tauhan ng executive branch at hindi nito saklaw ang Judiciary at Legislative Branches.

“The executive order cannot be extended outside the executive branch without violating the core principles of independence and checks and balances enshrined in the constitution,” saad ni Drilon.

Sinabi naman ni Lacson na dapat pa ituring ng Ombudsman na welcome development ang kumisyon dahil magsisilbi itong kanilang law enforcement arm.

Binigyang-diin mana ni Senador Sherwin Gatchalian na ang kumisyon ay magandang aksyon para sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian sa lahat ng uri nito.

“No agency can claim that corruption is totally non- existent, it is happening at every level from the lowest level to the highest echelons,” pahayag ni Gatchalian.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?