101
ABANTE-TNT-endo-contract-naia
Jun 5, 2018 @ 18:39
By

Anti-contractualization bill sa Senado, pinalagan ng ECOP

MAKAKASAMA sa ekonomiya ng bansa ang isinusulong na batas kontra kontraktuwalisasyon.

Ito ang inihayag na posisyon ng Employers Confederation of the Phils.(ECOP) ukol sa tatlong probisyon sa Senate Bill No. 1826 o ang Act Strengthening Workers Right to Security of Tenure.

Ayon kay ECOP Dir. General Jose Moya layon ng batas na matuldukan na ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon at aniya magdudulot ito ng malaking negatibong epekto sa mga negosyo at pamumuhunan, gayundin sa mga trabaho.

Ipinunto ni Moya ang nakasaad sa Section 2 ng panukala, na layon nitong amyendahan naman ang Article 106 ng Labor Code, kung saan sinasabi na maikukunsidera ng labor-only contracting ang ginagawa sa manggagawa kung sila ay magta-trabaho sa pamamagitan ng job contractor gayung ang kanilang trabaho ay direktang may kaugnayan sa uri ng negosyo.

Pagdidiin nito kapag naging batas ang panukala ng hindi nababago, ito ay maaring paglabag na sa Saligang Batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?