524

Jan 4, 2022 @ 17:27
By

‘Anti-bobo’ Gadon nanganganib masipang abogado

Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang palamurang abogado na si Larry Gadon.

Naglabas din ng show cause order laban kay Gadon para magpaliwanag kung bakit hindi ito maaaring i-disbar o tanggalan ng lisensiya bilang abogado.

“Atty. Gadon’s preventive suspension from the practice of law is effective immediately and to last until lifted by the Court,” bahagi ng statement ng SC.

Kaugnay ito sa kakila-kilabot na ugaling ipinakita ni Gadon habang minumura si Raissa Robles, Manila correspondent ng South China Morning Post.

Dahil dito, kinalampag ng Foreign Correspondents Association of the Philippines ang SC at Integrated Bar of the Philippines na “disiplinahin” si Gadon.

Sa viral video, bumuhos ang galit ni Gadon kay Robles dahil sa diumano’y sinabi nito na hindi nagbayad ng buwis ang presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr.

Tinadtad ni Gadon ng mura si Robles, kung saan sinabihan pa niya ang huli na magpatira sa aso.

Si Gadon ay nakilala bilang anti-bobo crusader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?