41

Jan 14, 2022 @ 20:59
By

Anti-bakuna na si Djokovic nanganganib ma-deport sa Australia

Nahaharap muli sa deportation si tennis champ Novak Djokovic.

Ito’y matapos kanselahin ng Australian government ang kanyang visa sa ikalawang pagkakataon – tatlong araw bago ang pagsisimula ng Australian Open.

Sabi ni Immigration Minister Alex Hawke, ginamit niya ang kanyang ministerial discretion upang kanselahin ang visa ng 34-year-old Serbian dahil maaari umanong magdulot ng panganib sa kalusugan ang world tennis number one dahil hindi pa siya bakunado laban sa COVID.

Giit naman ng mga abogado ni Djokovic, ang hakbang na ito ng Australian government ay upang maiwasang makahikayat pa ang tennis champ ng mga anti-vaccination protester.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?