47

Jan 31, 2020 @ 15:30
By

Anthony-Towns napamura! Booker ‘binastos’ sa All-Star snub

Maraming napatanong kung bakit wala ang pangalan ng Phoenix Suns sharpshooter na si Devin Booker sa listahan ng 2020 NBA All-Star reserves.

Ngayong season ay nag-aaverage si Booker ng 27.1 points, 6.4 assists at 4.1 rebounds, na kung titingnan ay mga numerong awtomatiko na dapat na kasali sa All-Star game.

Ngunit iba ang naging istorya dahil wala ang kanyang pangalan sa nilabas na listahan ng mga reserve sa annual event.

Sa social media ay hinambing si Booker sa ilang NBA legend na natatanging may 27 points, anim na assists at 60-percent true shooting percentage, kung saan kahanay nito ang mga multiple All-Star tulad nina James Harden, Larry Bird at Kobe Bryant.

Samantala, si Minnesota Timberwolves center Karl Anthony-Towns ay napamura din sa hindi pagkakasama ni Booker sa lineup.

Sa nilabas na listahan sa Western Conference, kasama sina Nikola Jokic, Damian Lillard, Donovan Mitchell, Rudy Gobert, Chris Paul, Brandon Ingram at Russell Westbrook.

Bumuo naman si Eastern Conference reserves sina Jimmy Butler, Ben Simmons, Kyle Lowry, Khris Middleton, Domantas Sabonis, Jayson Tatum at Bam Adebayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?