10

By

Anthony malas, George, Oklahoma nagbunyi kontra Houston

Sharing is caring!

Walang problema para sa Oklahoma City Thunder kahit wala ang kanilang star point guard na si Russell Westbrook.

Sa kanilang laban kontra sa Houston Rockets, sinandigan ng OKC si Paul George na nakakolekta ng 20 puntos, kasahog ang 11 rebounds, parehong anim sa assists at steals.

Katulong niya ang primary center na si Steven Adams sa double-double performance 19 rebounds at 10 rebounds, samantalang may tig-14 naman sina Dennis Schroder at Terrance Ferguson.

Para sa Rockets, 19 puntos ang ginawa ni James Harden ngunit malas sa field sa 7 of 19 field goal. Si Carmelo Anthony naman, na dating naglaro para sa Thunder, ay sadlak sa dalawang puntos at isa lang sa 11 tira ang kinonekta.

Ito na ang ikapitong sunod na panalo ng Oklahoma matapos matalo ng apat sa simula ng season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?