46

Apr 24, 2021 @ 17:43
By

Anthony Mackie bagong ‘Captain America’

Tinatrabaho na ng Disney at Marvel ang “Captain America 4”.

Ayon sa The Hollywood Reporter, si “Falcon” Anthony Mackie ang bagong gagamit ng “Captain America” shield sa Marvel Cinematic Universe.

Kasunod ito ng pagpapalabas sa official trailer ng “The Falcon and the Winter Soldier” kung saan ipinakita ang official transformation ni Mackie bilang “Captain America”.

Ito ang unang movie na bida si Mackie bilang Captain America.

Unang gumanap na Steve Rogers/Captain America sa tatlong pelikula si Chris Evans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?