49

Sep 21, 2020 @ 15:57
By

Anthony Davis pinatumba sariling teammate!

Instant trending si Lakers reserve Talen Horton-Tucker matapos nitong banggain ang kanilang superstar na si Anthony Davis.

Nitong Lunes ay inukit ni Davis ang kanyang pangalan sa Lakers history matapos ang kanyang buzzer-beater three na nagbigay ng 2-0 advantage sa kanilang koponan laban sa Denver Nuggets.

Kaagad na nagdiwang si Davis kung saan biglang umeksena si Horton-Tucker at sinubukang i-body bump ang big man.

Ngunit tila hindi kinaya ng kanyang katawan ang bangga ni Davis at kaagad na lumupasay sa sahig.

Kaagad naman siyang nagtungo sa social media para ipaalam sa kanyang mga follower na okay lang siya matapos ang bangga.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?