32

By

Antetokounmpo, tinuruang mag-Tagalog ni Edward

Bumiyahe pa-Greece si Edward Barber para personal na ma-interview ang NBA superstar na si Giannis Antetokounmpo.

Sa naturang panayam, tinuruan ni Edward si Giannis ng ilang salitang Filipino na maayos namang nasambit ng basketbolista. Sinabi rin ni Edward sa Milwaukee Bucks player ang mga kahulugan nito.

Kabilang sa salitang itinuro kay Giannis ang “kumusta”, “salamat” at “mahal kita”.

Panoorin ang naturang interview sa isang episode ng “Umagang Kay Ganda”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?