51

Dec 5, 2017 @ 17:11

Antetokounmpo, ‘no match’ sa Irving, Horford combo

Nalagpasan ng Boston Celtics ang impresibong performance ni Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee Bucks at naiuwi ang panalo, 111-100.

Pinangunahan ni Kyrie Irving ang pagsawata ng Celtics sa Bucks sa pagbuslo ng 32 points.

Maganda man ang nilaro ni Antetokounmpo sa pagbaon ng 40 points ay hindi pa rin ito naging sapat para tumbasan ang kombinasyon nina Irving at Al Horford, na may 20 points, nine rebounds at eight assists naman.

Bunga nito’y gumanda ang kartada ng Celtics sa naiposteng 21-4 win-loss.

Limang kabit na puntos ang pinakawalan ni Irving sa isang minuto at 30 segundong nalalabi sa laro na nagselyo ng pitong kalamangan para sa Boston.

Samantala, may sukbit din na nine rebounds at four assists ang Greek star na si Antetokounmpo.

Isa siya sa limang players ng Bucks na may double figures kabilang na sina Khris Middleton na may 19 points; Eric Bledsoe, 18; Nate Snell, 11, at Malcolm Brogdon, 10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?