29

Antetokounmpo minura ang Bucks assistant coach

Sharing is caring!

Madalas, cool na cool sa loob ng court si Milwaukee forward Giannis Antetokounmpo kaya marami ang nagtaka nang parang mag-init ang ulo nito – hindi sa laro o sa kalaban, kundi sa assistant coach ng Bucks na si Sean Sweeney.

Sa third quarter ng laro kontra Utah Jazz nitong Sabado, kita sa video na nakikipag-argumento si Antetokounmpo kay Sweeney.

Nakatutok sa 6-foot-11 player ang camera, parang may sinabi ang assistant coach. Tumayo si Antetokounmpo, halata sa buka ng bibig ng 22-anyos na Greek ang pagbitaw ng katagang “I will f—k you up.”

Pinigilan siya ng ibang teammates.

Bago nagkaroon ng timeout, hinablot ni Antetokounmpo ang rebound pero nawala sa kanya ang bola na nag-resulta sa basket ni Thabo Sefolosha para sa Jazz.

Pagkatapos ng 121-108 loss sa Utah, nag-post ng video ang Bucks na nagpapaliwanag si Antetokounmpo sa nangyari.

“You always fight with your brothers. Me and Sweeney OK. That’s what we do,” anang binan­sagang Greek Freak, umiskor ng 27 points sa 10-of-17 shooting, may 13 rebounds at five assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?