47

By ,

Antetokounmpo, Harden, George patikasan para sa Kia MVP

Inilabas na ng NBA nitong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) ang mga finalist ng anim na awards para parangalan ang top perfomers mula sa 2018-2019 regular season.

Ang anim na awards ay ang Kia NBA Most Valuable Player, Kia NBA Rookie of the Year, Kia NBA Sixth Man Award, Kia NBA Defensive Player of the Year, NBA Most Improved Player at NBA Coach of the Year.

Ang mga nanalo sa mga nasabing award ay papangalanan sa 2019 NBA Awards katuwang ang Kia sa Hunyo 24 (Hunyo 25 sa Pilipinas).

Ang ikatlong annual NBA Awards ay gaganapin sa Barker Hangar sa Los Angeles at ang finalists sa mga nasabing category base sa resulta ng panel sportswriter at broadcasters.

Sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, Paul George ng Oklahoma City Thunder at James Harden ng Houston Rockets ang maglalaban-laban para sa Kia NBA Most Valuable Player habang maghaharap-harap naman para sa Kia NBA Rookie of the Year sina Deandre Ayton ng Phoenix Suns, Luka Doncic ng Dallas Mavericks at Trae Young ng Atlanta Hawks.

Sina Montrezl Harrel ng LA Clippers, Domantas Sabonis ng Indiana Pacers at si Lou Williams ng LA Clippers ang maghaharap para sa NBA Sixth Man Award at paglalabanan naman nina Giannis Antetokounmpo nf Milwaukee Bucks, Paul George ng Oklahoma City Thunder at Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Sina De’Aaron Fox ng Sacramento Kings, D’Angelo Russell ng Brooklyn Nets at Pascal Siakam at Toronto Raptors ang magbabakbakan para sa Kia NBA Most Improved Player at para sa NBA Coach of the Year maghaharap sina Mike Budenholzer ng Milwaukee Bucks, Michael Malone ng Denver Nuggets at si Doc Rivers ng LA Clippers.

Ilalabas ang kumpletong resulta ng bawat award sa pr.nba.com sa gabi ng NBA Basketball Awards at kasabay ng NBA awards ang pag-aanounce ng mga nanalo sa NBA Basketball Executive of the Year award, the Twyman-Stokes Teammate of the Year Award, NBA Sportsmanship Award, Seasonlong NBACares Community Assist Award, NBA Hustle Award at ang fan-voted House of Highlights Moment of the Year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?