66

Feb 29, 2020 @ 15:56
By

Antetokounmpo dedma sa pagtataray ni Harden

May parinig si James Harden na mas gugustuhin niya ang estilo ng laro niyang tumitira sa labas, dumidiskarte at umaatake kumpara sa isang 7-footer na puro takbo lang at dumadakdak.

Si Giannis Antetokounmpo?

Bago hinarap ng Milwaukee ang Oklahoma City Biyernes ng gabi, sinabi ni Antetokounmpo ayaw niya ng away.

Pagtapak sa court, kayod agad ang Greek Freak at nilampaso ng Bucks ang Thunder 133-86.

Ang stats ni Antetokounmpo: 32 points, 13 rebounds, 6 assists sa loob lang ng 27 minutes.

Nakaka-siyam na laro na siyang may 30 points o higit pa nang wala pang 30 minutes sa loob – NBA single-season record na.

May tig-14 sina Pat Connaughton, Wesley Matthews at George Hill sa Milwaukee.

Sina Chris Paul at Shai Gilgeous-Alexander lang ang Thunder players na umiskor ng double digits – 18 at 11.

Pagkatapos ng tatlong quarters ay milya-milya na sa unahan ang Milwaukee 107-69.

Naglista ang Milwaukee ng multiple-records sa panalo.

Nanalo ang Bucks ng 47, pangatlong laro ngayong season na nanambak ng 40+ points – tied for most sa NBA history at pang-siyam sa kasaysayan ng liga na naglista ng tatlong 40-point victories sa isang season.

Ang unang dalawa nila ay sa back-to-back games kontra Charlotte Hornets 137-96 noong Nov. 30, at laban sa New York Knicks 132-88 noong Dec. 2.

Kinolekta ng Bucks ang 51st win ng season, sa league-best 51-8 ay 8.5 games sa unahan ng Toronto Raptors na nasa second place sa Eastern Conference.

Matapos sikwatin ni Antetokounmpo ang 2019 MVP award, nag-average ang 25-year-old ng career-high 29.7 points, 13.7 rebounds, 5.8 assists, 1.1 steals at 1.1 blocks per game ngayong season, may 55.1 percent shooting mula sa field at 31.4 percent sa malayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?