49

By

Ansar Al-Khilafah member, timbog sa Sarangani

Sharing is caring!

Naaresto sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Ansar Al-Khilafah Philippines (AKP) sa Maasim, Sarangani Province kaninang madaling-araw.

Ang naarestong terorista ay kinilalang si Akbar Maguid Buyoc, alyas Abu Saipen, na may kasong rebelyon at kabilang sa arrest order no. 2 na pirmado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may kaugnayan sa umiiral na Martial Law.

Ayon kay PNP Region 12 Spokesperson Police Chief Inspector Aldrin Gonzales, alas-3:15 ng madaling-araw kanina nang maaresto si Buyoc sa kanyang bahay sa Sitio Dampilan, Barangay Lumatil, Maasim, Sarangani Province.

Narekober kay Buyoc ang isang unit ng fragmentation grenade.

Sinabi naman ni Police Sr. Supt. Joseph Semillano, Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, mas maigting nang intelligence monitoring dahil sa umano’y regrouping ng mga natitirang miyembro ng AKP.

“PNP are continuously conducting intelligence monitoring for alleged regrouping remnants of Ansar Al-Khilafah Philippines,” sabi ni Semillano.

Sa kasalukuyan mas nakaalerto ang mga pulis sa PNP Region 12 upang mapigilan ang posibleng panggugulo ng teroristang grupo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?