58

By ,

Anong sunod para kay Imbo?

Sa pagtatapos ng karera ni Cindy Imbo sa collegiate volleyball, maraming pinto ang nagbukas para sa Season 94 1st Outside Spiker.

Mas umingay ang pangalan ni Imbo nang iposte nito ang season-high 32 puntos kontra College of Saint Benilde Lady Blazers sa kanilang do-or-die semis match at dito tinulungan niya na muling makapasok sa finals ang Lady Altas.

“Sa akin lang po, wala lang po parang nilabas ko lang po kung ano ‘yung (ginagawa) sa training namin, all out lang po ako sa bawat game,” sabi ni Imbo.

Sa pinakitang galing ni Imbo, ngayon pa lang ay may ilang volleyball clubs na ang kumakatok para kunin ang kanyang serbisyo pero wala pa siyang desisyon kung saan siya maglalaro.

“Meron po, parang nag-focus po muna ako sa finals sa ngayon, siguro sa susunod mamimili na lang po ako kung saan,” dagdag nito.

Malaki rin ang pasasalamat nito kay coach Macky Cariñ na tinulungan siyang hubugin at hasaain ang kanyang talento at husay sa ganitong klase ng sports.

“Sobrang binago niya (Cariño) niya po kami, naging independent po kami sa labas at sa loob ng court. Tinuruan niya po kami kung paano lumaban at hindi lang siya bilang coach, bilang second father na rin,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?