101

Oct 16, 2020 @ 19:49
By

Anong sey ni Mommy D? Sarah hawak na sariling pera

Inamin ni Sarah Geronimo na ang kanyang ina na si Divina ang talagang naghahawak ng kanyang mga kita sa showbusiness.

Ngunit ngayong bubuo na ng pamilya ang ‘Popstar Royalty’, natututo na siya kung papaano i-manage ang sarili niyang pera sa tulong ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

“Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest,” sey ni Sarah sa pa-press conference ng Manulife.

“Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband,” sey pa ni Sarah.

Ayon pa sa multi-talented performer, balak niyang maglagak ng pera para sa health insurance at mga property para magsilbing investment.

Sa ngayon di aniya ay prayoridad niya ang kanilang buhay ni Matteo para sa kanilang bubuuing pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?