132

Mar 7, 2020 @ 18:19
By

Anong panama ni JLo? Fit body ng misis pinagmalaki ni Kuya Kim

Proud hubby si “It’s Showtime” host Kim “Kuya Kim” Atienza sa kanyang asawa dahil sa edad na 51-anyos ay fit pa rin ang pangangatawan nito.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Kim na anong panama ni Jennifer Lopez sa six-pack abs ng kanyang asawang si Felicia.

“Anong panama ni J Lo? #humblebrag #proudhubby. Grateful at 51 yo. Ladies, own your story, stand tall, silence your excuses. Love yourself. #bathroomselfie,” caption ni Kuya Kim.


Enero nang ilantad ni Felicia sa kanyang mga follower na na-achieve na ang kanyang six-pack matapos ang isang taon na disiplina sa sarili.

“Am grateful to my Coach @itsmarlone who encouraged me to eat and patiently guided my progress and to my hubby @kuyakim_atienza who loves me no matter what!” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?