1,860

By

Anong mali sa idlip ko? – Duterte sa ‘di pagsipot sa mga ASEAN event

Sharing is caring!

Maagang dumating para sa ikatlong araw ng 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang maitanong ng mga reporter ang unang nai-report ng Palasyo na nag-power nap umano si Duterte kaya’t hindi nakadala sa anim na aktibidad sa ASEAN, ito ang naging tugon ng Pangulo.

“What’s wrong with my nap? I do not eat breakfast and I’m sure you ladies know that,” pakli ng Presidente.

Matatandaan na humalili si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. sa ilang mga pulong para kay Duterte.

Kulang pa rin aniya ang kanyang tulog, ngunit sapat na para tapusin ang mga nalalabing event sa ASEAN.

“Still not good enough but enough to sustain the endurance for the last days,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?