11

Aug 7, 2020 @ 17:40

Anong laro ang nagpapataob sa Mobile Legends?

Isa ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) sa mga kinaadikang laro ng mga Pinoy sa nakalipas na dekada.

Paano ba naman kasi ay kahit sino basta’t may cellphone at internet ay puwede nang makisali sa bakbakan ng MLBB.

Ngunit ayon sa Twitter Philippines, isang video game pa ang sumasabay sa kasikatan ng MLBB, na kung titingnan ay malayong-malayo sa playstyle ng Multiplayer online battle arena game.

Sa datos ng Twitter PH, ang larong Animal Crossing ay isa sa mga pinakapatok na laro sa Pilipinas.

 

 

Bilang patunay, ang nasabing laro lang naman ang muling nag-ahon sa Nintendo sa gaming community matapos na makabenta ng 22.4 million copy ang bagong ‘Animal Crossing: New Horizons’ na nalalaro exclusive sa Nintendo Switch.
Kung titingnan ang reaksyon ng mga Pinoy gamer, madami rin ang nawiwili sa nasabing life simulation game, kung saan dinidikit sa COVID-19 pandemic ang kasikatan nito dahil umano sa nararamdamang escapism ng mga gamer.
Sa reaksyon ng mga Pinoy netizen, tila iba nga ang epekto ng ‘Animal Crossing’ na ngayo’y umuubos ng kanilang mga oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?