3,828

By

Anong isyu sa maitim? Alessandra de Rossi bumanat kay Digong

Proud kayumanggi ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi, hindi ikinahihiya ang balat.

At dahil sa nakitang tweet kung saan nagpatama si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating US President Barack Obama dahil sa kulay nito, hindi nakapagpigil na magkomento si Alessandra.

“Duterte slams former U.S. President Barack Obama for criticizing him: Leche ka! Itim itim mo, p*t*ng *na ka! You’re a son of a b*tch, you go to hell,” ayon kay Digong.

Sey ni Alessandra, tila kailangan na niyang uminom ng glutathione dahil sa naging banat ng Presidente kay Obama.

“Anong issue nyo sa maitim?!! Choz!!! #triggered pa-order ng iced tea with gluta! Thanks!” saad sa tweet ni Alex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?