21

May 17, 2020 @ 15:03
By

Anong basehan? Baclaran aalog-alog sa 5 tao – Manila bishop

Nais malaman ni Manila Archdiocese Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kung bakit lima hanggang 10 lang ang papayagang tao sa mga religious gathering.

Sa Facebook post ni Pabillo, sinabi nito na dapat ay gawing isa hanggang dalawang metro ang pagitan ng tao para sa physical distancing sa loob ng simbahan at hindi ibase sa kung ilang tao ang pwede.

Aniya, magkakaiba ang laki ng mga simbahan kaya’t hindi maintindihan ang nilatag na measure ng gobyerno para sa simbahan at iba pang religious sector.
“There are many churches with different sizes. Five persons for such a big church as Baclaran or the Manila Cathedral is laughable! The one-size-fits-all directive is really unreasonable,” ayon kay Pabillo.

Saad pa nito, kung nililimitahan ang tao sa mga simbahan ay bakit hindi rin nila ito ginagawa sa mga pamilihan, opisina at pabrika.

“Where did they get these numbers? Why is it that they do not give the absolute numbers of persons who can enter a store, or work in the office, or in the factory?” giit ng obispo.

Sa ilalim ng modified enhanced community quarantine, papayagan ang religious service ngunit lima lang ang pwedeng dumalo, habang sampu naman sa general community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?