3,754

By

Anong alam ni Dennis Uy sa telco? – Pangilinan

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ni Senador Kiko Pangilinan ang pagpili sa Mislatel consortium para maging kakumpetensya ng PLDT-Smart at Globe Telecom.

Magkasosyo sa Mislatel ang kompanya ni Dennis Uy na negosyante mula sa Davao City at China Telecommunications Corporation na pag-aari ng gobyerno ng China.

Nagtataka si Pangilinan kung bakit ang Mislatel lang ang nagkwalipika sa mga bidder.

Tanong din nito kung ano ang kakayanan ni Dennis Uy sa telco industry at kung ano ang magiging epekto sa seguridad ng bansa ng pagpasok ng dayuhang telco.

“Not only security concerns but legal and technology and policy concerns as well. Why only one qualified bidder? What is Dennis Uy’s expertise and what does he know about telcos?” pahayag ni Pangilinan.

Diin nito, kailangang mag-ingat ng gobyerno sa pagpasok sa kontrata dahil baka mauwi ang lahat sa wala kapag nabutasan ito sa batas.

“Government must be extremely careful that because of legal questions this effort will go the way of other controversial China funded govt contracts such as the ZTE NBN deal and the Northrail project which were eventually scrapped due to irregularities,” diin ni Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?