67

Jan 4, 2018 @ 17:06
By

Anomalya sa PCSO, paiimbestigahan ni Lacson sa Senado

Pabubuksan ni Senator Ping Lacson ang imbestigasyon ng Senado ukol sa diumano ay katiwalian at mga kontrobersya sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Ayon sa senador, maghahain siya ng resolusyon para dinggin ito ng Senate committee on games and amusement kung saan siya ang chairman.

“I’m filing a resolution in this regard. I want it referred to the games and amusement committee which I chair so I can schedule a hearing once Congress resumes session on January 15,” ani Lacson.

Target niyang pagtuunan sa imbestigasyon ang maluhong Christmas Party ng PCSO na ginastusan ng anim na milyong piso.

Nais din ni Lacson na komprontahin ang PCSO ukol sa diumanoy katiwalian dito at ukol sa nakapagdududa raw na napakababang presumptive monthly revenue receipt (PMRR) o monthly quota ng kita mula sa small town lottery (STL) kada probinsya.

Gusto ng senador na agad agad na ang pagdinig sa pagbabalik nila sa sesyon.

Mula nung Disyembre, nagbabangayan at nagbabatuhan ng alegasyon ng katiwalian at pag-abuso sina PCSO General Manager Alexander Balutan at PCSO Board Member Sandra Cam. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?