24

Oct 18, 2020 @ 19:10
By

Ano ‘yun? Bolick, Ross napa-react sa foul kay Nambatac

Para kina NorthPort star Robert Bolick at San Miguel guard Chris Ross, mga manlalaro dapat ang nagdidikta sa kahahantungan ng laro at hindi referee.

Kaugnay ‘yan sa naging laban ng Rain or Shine kontra NorthPort Batang Pier, kung saan sinalba ni Rey Nambatac ang panalo para sa ROS, 70-68.

Sa naturang laro, tabla ang laban sa 68-all, tatlong segundo na lang ang natitira sa game clock.

Pinagkatiwala ng ROS ang bola kay Nambatac at nakasungkit ng foul mula sa kanyang drive kontra sa depensa ni Paolo Taha.

Binuslo ni Nambatac ang dalawang free throw na kalauna’y naging game winner para sa Rain or Shine.

Tingin nina Bolick at Ross, kuwestiyonable ang naturang foul na pinito ng mga referee na naging dahilan ng pagkatalo ng NorthPort.

Dahil sa pagkatalo, lagapak sa 0-3 win-loss record ang Batang Pier, habang salo sa tuktok ang Elasto Painters kasama ang TNT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?