130

Jul 9, 2018 @ 14:00
By

Año: VM Lubigan pinatay matapos ihayag na tatakbong mayor

Napatay umano si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan, isang araw matapos nitong ideklara ang intensiyon niyang tumakbo bilang alkalde sa susunod na eleksiyon.

Sa panayam kay Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año sa Unang Balita, tinitingnan nilang motibo sa likod ng pamamaslang sa bise alkalde ang hinggil sa politika, maging ang pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija dahil isa naman umano ito sa pinagpipiliang tatakbong gobernador.

Inalis naman ni Año sa “culture of impunity” sa ilalim ng administrasyong Duterte ang dahilan ng serye ng pagpaslang sa local officials dahil iba-iba naman umano ang motibo at sirsumstansiya ng pagpatay.

Sa kabila nito, aminado si Año na mula nang maupo noong 2016 si Pangulong Rodrigo Duterte, 11 na alkalde at limang bise alkalde na ang napatay. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?