19

Aug 27, 2020 @ 16:41
By

Ano say mo Cansino? Siomai rice lang dati, solb na – Maliksi

Sa kabila ng init, gutom at pagod na hinarap ni Allein Maliksi sa UST, wala itong naging reklamo.

Sinariwa ng dating UST star ang kanyang naging karanasan noong siya’y varsity player pa lamang, kung saan ayon sa kanya ay sapat na sa kanila ang scholarship sa prestihiyosong unibersidad.

Aniya, mumurahing siomai rice ang kanilang sinandigan noon para makabawi sa pagod, at sumuong din sa init dahil walang aircon ang kanilang dorm.

Binahagi din ni Maliksi ang kanilang mga naging karanasan tulad ng paglinis ng public CR at pagpulot ng bulok na pagkain, na kanyang ginawa para maka-graduate at makatungtong sa PBA.

“Basta makalaro lang at maka-graduate, ayos na. Ayon madami ako natutunan at naabot ko PBA dream ko,” saad ng eight pick noong 2011 PBA Draft.

Ito’y kasunod ng kontrobersya na hindi umano pinapakain ng tama ang UST varsity player sa kanilang training sa Sorsogon, kung saan nauwi rin sa pagtanggal kay CJ Cansino sa Growling Tigers.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10222939663829937&id=1528560858

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?