20

Oct 7, 2020 @ 15:53
By

Año sa mga LGU: Paggamit ng videoke kontrolin

Hinikayat ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga local government unit (LGU) na magpatupad ng ordinansa para ipagbawal ang videoke at iba pang maiingay na aktibidad na makasasagabal sa mga distance learner.

“Bilang mga disiplinado at responsableng mga magulang at mamamayan, tulungan natin ang ating mga estudyante na mabigyan ng tahimik at payapa na kapaligiran para sila ay makapag-aral nang mabuti sa kani-kanilang mga tahanan,” sabi ni Año, Miyerkoles, Oktubre 7.

Bago ito, inutusan na ng Philippine National Police ang mga police commander nitong makipag-ugnayan sa mga lokalidad para ma-regulate ang pag-inom at paggamit ng videoke sa mga pampublikong lugar.

Nagsimula na noong Lunes ang mga klase sa mga pampublikong paaralan nationwide habang may pandemya sa pamamagitan ng distance o blended learning.

Ibig sabihin, mag-aaral ang mga estudyante sa loob ng kanilang bahay sa pamamagitan ng mga printed at digital module, online class, television, at/o radio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?