180

Feb 6, 2019 @ 16:38
By

Año sa DILG, 7 pa lusot sa CA

Banayad na nakalusot sa Commission on Appointments (CA) sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Walang tumutol sa kumpirmasyon ng CA sa dalawang dating opisyal ng military.

Naging chief of staff ng Armed Forces of the Philippines si Año habang namuno sa Philippine Army at ground troops commander ng military noong Marawi siege si Bautista.

Kinumpirma na rin ng CA ang pagtatalaga kay dating LTFRB board member Aileen Lizada bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC).

Nakumpirma na rin ng CA ang pagtatalaga sa limang embahador na sina Noel Eugene Eusebio Mejico Servigon (Association of Southeast Asian Nations sa Jakarta, Indonesia); Ma. Teresita Cruz Daza (Chile); Christopher Baltazar Montero (Brunei Darussalam); Ramon Bagatsing Jr. (India); at Noe Albano Wong (South Korea).

Inaprubahan din ng CA ang promosyon ng 43 na opisyal ng militar na kinabibilangan nina General Ronnie Evangelista na superintendent ng Philippine Military Academy at Marine Colonel Ferdinand Marcelino na nakulong noong 2016 dahil sa diumano’y inimbentong drug cases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?