52

Jan 11, 2021 @ 17:17
By

Año nag-leave hanggang Jan. 31

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naka-leave si Secretary Eduardo Año hanggang Enero 31.

Paliwanag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, pinayuhan si Año ng kanyang mga doktor na magpahinga, unahin ang kanyang kalusugan at sumailalim sa mga test.

Itinalaga ni Año si Undersecretary Bernardo Florece bilang officer-in-charge habang naka-leave siya.

Magugunitang noong nakaraang taon ay dalawang beses tinamaan ng COVID-19 ang DILG chief.

Una ay noong March sumunod noong August 15, 2020.

Ayon kay Malaya, magmula nang maospital noong Agosto dahil sa COVID-19 ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho si Año kahit Linggo at holiday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?