31

Jan 12, 2022 @ 17:28
By

Año mild lang ang tama sa COVID

Walang peligro sa kondisyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos magpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na walang dapat ipag-alala ang publiko kay Secretary Año dahil mild lamang ang sintomas nito sa COVID-19.

Asymptomatic aniya si Año at nakakapagtrabaho ito sa kanyang tahanan kaya walang dapat na ipag-alala sa kalagayan nito.

“Sa mga nag-aalala po sa kanya,maayos po ang kanyang kalagayan. Siya po ngayon ay naka-isolate. He is working from home at ka-text ko siya madalas,” ani Malaya.

Magkagayonman, humingi ang opisyal ng dalangin sa publiko para sa agarang paggaling ni Secretary Año.

Sinabi ni Malaya na nalulungkot sila sa DILG dahil ito na ang ikatlong beses na tinamaan ng COVID-19 si Secretary Año.

“Humihingi po kami ng dasal sa ating mga kababayan para sa agarang paggaling ng aming Secretary,” dagdag ni Malaya.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?