34

Dec 3, 2020 @ 14:39
By

Año: Menor de edad puwede sumama sa bakasyon

Pinapayagan ang mga menor de edad na mag-out of town kasama ang kanilang pamilya, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año nitong Huwebes.

Paliwanag ni Año sa panayam sa Teleradyo, mas madaling mababantayan ng mga magulang ang mga menor de edad sa ganoong senaryo kesa sa loob ng mga mall.

“Meron naman kasi tayong ano, for example ‘yung pamilya na gusto niyang magbakasyon, pumunta sa ganitong resort, pinayagan naman natin na kasama ‘yung minors diyan. ‘Yan ‘yung sinasabi nating puwede with parents kasi ang dali mong ikontrol kasi nga specific lang ‘yung lakad,” aniya.

“‘Yung mga lakad out-of-town, specific lang ‘yun tapos sasama lang sila, ‘yung buong pamilya, so mas madaling ikontrol ‘yun kaya pinayagan natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?