69

By

Ano daw? NBA player umeebak sa sapatos

Binunyag ng beteranong forward sa NBA na si Trevor Booker kung anong koponan ang pinakasalaulang napaglaruan niya sa liga.

Sa kanyang panayam sa ‘The HoopsHype Podcast’ sinabi nito na nagging masaya ang kanyang pagsalang para sa Washington Wizards.

Sa sobrang saya ay tila sumobra na ang pagbibiro ng bawat manlalaro sa koponan.

“It was the most terrible team that I’ve probably been on, but it was probably the most fun I’ve ever had in the NBA,” saad ni Booker, na huling naglaro noong 2018 sa Indiana Pacers.

Dati raw ay mayroong sumisira ng mga suit ng mga manlalaro, ngunit ang pinakagrabe ay ang pag-ebak ng mga manlalaro sa sapatos ng teammate.

“I would come into the locker room the day of a game and watch one player cut up the suit of another player. One guy took a s— in another guy’s shoe. Oh my goodness, I have stories for days,” lahad ni Booker.

“We would go on the road and we would break into each other’s room and beat a player up, tie him up. There’s so many stories I got from those Washington days. It was so much fun, but looking back on it, oh my goodness. It was so unprofessional.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?