31
views
lorenzana
By

Año binati ni Lorenzana sa pag-upo bilang DILG OIC

Sharing is caring!

Nagparating ng pagbati si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Undersecretary Eduardo Año matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer in charge (OIC) ng Department Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Lorenzana na dahil sa dedikasyon sa trabaho, pagiging propesyunal at mahabang karanasan sa military kaya naitalaga sa posisyon ang dating AFP chief of staff na si Año.

Naniniwala si Lorenzana na sa bagong posisyong iniatang kay Año ay mas magiging magaling pa ito.

Ipinaliwanag naman ng kalihim na mananatili munang officer in charge ng DILG si Año dahil nakasaad sa batas na kailangan muna ng isang taon para maitalaga bilang full time secretary ng DILG ang opisyal.

Matatandaang una nang inanunsyo ng Pangulo na uupo na bilang OIC ng DILG si Año habang si OIC DILG Catalino Cuy ay itinalaga niyang bagong hepe ng Dangerous Drugs Board.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?