12

Oct 26, 2020 @ 15:51
By

Año: Angel, Liza, Catriona ‘di dapat markahang terorista

Nakakuha ng kakampi sina Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray sa katauhan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Sa panayam kay Año sa DZMM nitong Lunes, sinabi niyang hindi dapat na tatakan na terorista ang naturang mga celebrity na nais lang ng pagbabago.

“These personalities, they want change. They are fighting…for women, for certain sectors, but it doesn’t mean they are already terrorists,” tugon ni Año sa tanong kung nararapat bang tatakan na terorista sina Locsin, Soberano at Gray dahil sa pagsuporta sa mga aktibistang grupo.

“Hayaan natin sila makapag-express nang malaya,” dagdag niya.

Dinepensahan din niya si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., mula sa mga akusasyon ng red-tagging sa tatlong celebrity.

Ani Año, babala lang ni Parlade iyon kina Locsin, Gray at Soberano sa posibleng epekto ng pagkakaugnay sa mga rights group gaya ng Gabriela.

“Warning lang naman ‘yung sa kanya, ‘di naman talaga sinasabi na mga terrorist or komunista itong mga taong ito,” wika ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?