204
terence-romeo
Jan 5, 2018 @ 17:11
By

Ano ang New Year’s resolution ni Terence Romeo?

Tuwing simula ng taon, nakaugalian na ng ilan na maglista ng kani-kanilang New Year’s Resolution.
Ito ay isang tradisyon kung saan nasa plano ng isang tao na kalimutan na ang lahat ng kanilang hindi magandang pag-uugali sa nakalipas na taon.
    Ilan sa mga paboritong Filipino sports stars at Chooks-to-Go babies ang nagpahayag ng kanilang nais solusyonan ngayong 2018.
    Una na si Gilas Pilipinas at Globalport’s combo guard at three-time PBA scoring champion Terrence Romeo, na naniniwala sa kasabihang “health is wealth”, lalo’t kagagaling niya sa knee injury noong Nobyembre.
    Dahil sa injury, hindi nakasama si Romeo sa Gilas line up na naglaro sa nakalipas na dalawang asignatura sa FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers na idinaos sa Japan at Pinas.
    “Ang New Year’s Resolution ko ay mas maging healthy, aalagaan ko yung katawan ko, at the same time pagbubutihan ko yung pagfo-focus ko kasi last year, medyo na-short.
Sobrang gusto kong makapaglaro sa bayan kaso na-injury ako. Ngayong taon kailangan mas mapalakas  ‘yung katawan ko para sa tuwing kakailangann ako ng bayan, lagi akong nandito at yun ang pinakamasarap na pakiramdam.” ani Romeo na posibleng sumalang na sa  Linggo sa banggaan ng  GlobalPort at Ginebra.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?