10

Feb 2, 2021 @ 13:37
By

Año ‘absent’ pa rin ngayong Pebrero – DILG spox

Pinalawig ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang kanyang medical leave hanggang katapusan ng Pebrero.

“The extension was upon doctors’ advice for him to fully recuperate, regain his strength and prioritize his health above all else,” ani DILG spokesperson Jonathan Malaya.

Una nang pinayuhan ng mga physician si Año na huminto muna sa mga ‘stressful activity.’

Ngayong Pebrero dapat magbabalik-trabaho si ang DILG Secretary.

Matatandaang tinamaan ng COVID-19 si Año noong Marso at ikalawang beses noong Agosto ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?