35

By

Año: 12K barangay drug-free, crime rate bumaba ng 11%

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sa pangatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumaba sa 11 porsiyento ang krimen at higit sa 12,000 barangay ang ngayo’y drug-free bunga ng “participatory governance” at aktibong kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaang nasyunal at pamahalaang lokal, mga mamamayan at stakeholders.

“Malaking bahagi kayo sa naging tagumpay ng mas pinaigting na peace and order councils, anti-drug abuse councils at people’s law enforcement board sa labang tuluyan nang tapusin ang mga problema ng ating lipunan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año sa Pre-SONA forum ukol sa Participatory Governance Cluster na ginanap sa Cebu City.

Ayon kay Año, sa tulong at suporta ng mga local-based institution tulad ng POCs, ADACs at PLEB, matagumpay na naiakma ng mga law enforcement agency ang kanilang mga operasyon kontra kriminalidad na nagdulot ng pagbaba ng bilang ng krimen mula 488,644 noong Hulyo 2017 hanggang Hunyo 2018 sa 438,496 sa parehas na panahon noong 2018-2019.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, buong pagmamalaking sinabi ng DILG chief na 12,099 na mga barangay na ang idineklarang drug-free bunga ng suporta at pagbabantay ng mga mamamayan.

Katulad nito, ngayo’y mayroon na ring 172 drug-free na mga bilangguan kumpara sa 74 lamang noong 2018 dulot naman ng pinaigting na hakbang ng Bureau of Jail Management and Penology na linisin ang mga piitan sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?