200

Nov 5, 2017 @ 10:48

Anne todo-iyak sa pa-bridal shower nina Vice, Vhong

Iyak nang iyak si Anne Curtis last Friday night dahil sa surpresa ng kanyang mga kasama sa It’s Showtime.

Gulat na gulat nga si Anne, dahil pagpasok niya sa isang kuwarto ay biglang tumambad sa kanya sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at iba pa, na sabay-sabay sumigaw nang ‘surprise’!!!

Doon pa lang, bigla na ngang naiyak si Anne.

“Kaya ko umuwe na kayo!” sabi niya sabay punas ng mga luha niya.

Surprise bridal shower nga ito ng Showtime family kay Anne, na ilang araw na lang ay ikakasal na kay Erwan Heussaff.

“Na-surprise ka ba? Kasi, surprise nga ito, eh!” sabi ni Vice kay Anne.

Kaaliw lang si Vice na panay ang sabi na “Kelan kaya ako makakaranas ng ganito?”

Anyway, kung bridal shower pa lang ay iyak na nang iyak si Anne, paano pa kapag kasal na niya?

“For sure, iiyak din ako nang iiyak,” sabi ni Anne na kahit umiiyak, tawa pa rin nang tawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?