258

By

Anne pinagpala sa Blackpink, Dua Lipa

Sa February 17 pa ang birthday ni Anne Curtis pero maaga siyang nakatanggap ng hindi malilimutang mga regalo.

Kabilang na rito ang harapan niyang nakilala ang Korean girl group na Blackpink.

Ayon kay Anne, “speechless” siya nang makamayan ang mga miyembro nito na nag-concert sa Mall of Asia Arena kamakailan.

“Happiest early birthday gift. I wanted to say so much but ended up being soooo speechless the moment I shook your hands. Thank you @roses_are_rosie @jennierubyjane @sooyaaa__ @lalalalisa_m. You guys were amazing and made so many Filipinos extremely happy!” sabi ni Anne sa caption ng picture kasama ang Blackpink sa kanyang IG.


Hindi pa rito natapos ang surprise gift kay Anne dahil sa “It’s Showtime” kanina (Feb. 16) ay binati siya ni British singer Dua Lipa na ikinagulat ng actress-host.

Inggit na inggit naman ang netizens kay Anne at sinabing, “Paano ba ang maging Anne Curtis?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?