69

Jun 16, 2021 @ 17:19
By

Anne naka-move on na sa takot sa beach

Super happy si TV host Anne Curtis dahil nalabanan na niya ang takot sa pag-swimming sa dagat.

Sa kanyang Instagram account ipinost ni Anne ang video ng paglangoy niyang muli sa ilalim ng dagat makalipas ang pitong taon.

Nakalagay sa kanyang post na sa Taytay, Palawan siya nag-swimming.

“Missed this soooo much. Even if I could barely hold my breath underwater, Was so happy I finally conquered my fear,” caption ni Anne.

“Took a while to be comfortable this far out in the water again – without a scuba suit. About 7 years I think. Made my mermaid heart so happy! Help to be with the best people at such an amazing place,” sey pa niya.

Matatandaang muntik nang mamatay si Anne matapos kapitan ng box jellyfish sa kaliwang bahagi ng katawan niya habang nagsu-shooting ng kanyang fantaseryeng “Dyesebel” sa isang beach sa San Juan, Batangas noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?