176

Anne nagpasilip ng cleavage sa ‘Showtime’

Sharing is caring!

Masaya at mainit na hapon ang pinasiklab ng ‘It’s Showtime’ sa kanilang episode ngayong araw.

Tinapos ng team ni Karylle at Jhong Hilario ngayong Biyernes ang week-long Magpasikat Week ng noontime show.

Naging sequel ng taong ito ang ginawang Magpasikat performance nina Jhong at Karylle na musical play noong nakaraang taon na ‘higad-ipis love story’

Kasama sa team JhongKarylle team sina Hashtag at Girltrend members Ronnie, Jimboy at Rayt at Chienna at Jessica.

Pero bukod sa naging performance ngayong araw, agaw-pansin ang isa sa host ng show na si Anne Curtis, sino ba ang hindi makakapansin sa kanyang suot na dress na may very low neckline at halos kita na ang buong cleavage.

Well, sanay naman na ang fans ni Anne sa kanyang mga revealing outfit at mukhang wala ding problem dito ang hubby niyang si Erwan Heussaff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?