218

Oct 23, 2017 @ 11:28

Anne at Nadine nadamay sa kamalasan ni Ryan Bang

By DONDON SERMINO

Magpasikat champion ngayong taon ang team ni Vhong Navarro para sa nakakaantig na mirror dance act nito na nagpaiyak sa parehong hosts at madlang people. Nakakuha ng perfect score na 10 mula sa mga huradong sina Direk Rory B. Quintos, Marc Logan, Ina Raymundo, Janno Gibbs, at Maricel Soriano ang performance ng Team Vhong na tinalakay ang pagharap sa buhay nang mag-isa ngunit may pag-asa.

Panalo rin ng P300,000 para sa kanilang napiling charity ang buong team, na kinabibilangan din nina Hashtags Nikko, Tom, Bugoy, at Kid, at GirlTrends na sina Erin at Joana.

Second naman at wagi ng P200,000 sina Vice Ganda, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz para sa madamdamin at enggrandeng performance nila tampok ang trending na kasalan ni Teddy at ng kanyang asawa.

Third placer sina Karylle at Jhong Hilario para sa kanilang kakaibang musical love story at may P100,000 para sa kanilang charity. Nakatanggap naman ng parehong P50,000 bilang consolation prize ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Nadine Lustre at team nina Billy Crawford, Amy Perez, at James Reid.

First time ito na natalo si Anne sa Magpasikat. At ang sinisisi nga ay si Ryan Bang. Na sabi nga ni Ryan Bang, sa lahat yata ng hosts ng Showtime, siya pa lang ang hindi nakakatikim ng panalo.

“Ako po talaga ang malas. Sorry Ate Anne, nadamay ka pa,” malungkot na sabi ni Ryan, na hiyang-hiya kina Anne at Nadine.

Sa pagtatapos ng showdown nila, ang Tawag ng Tanghalan hurados naman ang nagpasikat at nagpabilib sa madlang people sa mala-Magpasikat performance na handog nila.

Kakaibang Rey Valera, Yeng Constantino, at Mitoy ang nasaksihan sa kanilang matinding rakrakan kasama si Louie Ocampo sa piano.

Itinodo na rin ng It’s Showtime ang huling linggo ng isang buwang eighth anniversary celebration nito dahil matinding bosesan din ang sinimulan noong Sabado sa Tawag ng Tangahalan Quarter 2 semifinals. Nagtagisan na sa pagkanta ng kanilang audition songs sina Anton Antenorcruz, John Raymundo, Mark Michael Garcia, Rico Garcia ng Metro Manila, at Remy Luntayao, ang tanging pambato ng Visayas.

Next week ay nakatakda nilang i-perform ang kanilang awiting panlaban o fight song sa Lunes, awit para sa pamilya sa Martes, awit ng kanilang musical influence sa Miyerkules, hurado’s choice sa Huwebes, at awit ng kanilang buhay sa Biyernes, kung kailan makikilala na ang dalawang magwawagi sa kanila na pasok sa grand finals.

Piolo dream boy pa rin ng mga nanay, dalaga

The Hunk. The Actor. The Singer. The Gentleman. The Ultimate heartthrob. That’s Piolo Pascual for you. Pangalan pa lang niya ang naririnig, kinikilig na ang halos lahat ng mga tagahanga niya.

Box-office records, certified music hits, iba’t ibang endorsements at siya si Papa P, ang Dream Boy na halos lahat na yata ng kababaihan — mapa-single ladies man o certified mommies ay gustong makasama.

Pero sa kabila ng glamour at fame, may isang side si Piolo Pascual na paminsan-minsan, mas pinipili niya ang tahimik at relaxed na buhay.

“Hindi ko dinadala sa bahay ang trabaho. Iniiwan ko sa set. Pagkatapos magtrabaho, uuwi ako sa bahay na wala akong stress,” sabi niya.

Kaya naman kapag nasa bahay lang siya, mas makikita raw ang Piolo na mas easy life lang, habang kumakain ng comfort food niya.

“‘Pag nasa bahay ako, comfort food ko ‘to. ‘Yung nailuluto ko. Gisa-gisa, konting sibuyas,” sabi niya, na certified foodie, kaya happy siya na kinuha siyang ambassador ng Highlands Gold Corned Beef with Angus Beef.

“I’m happy when I tasted it. I love its natural and superior beef taste! Hindi malitid ang Highlands Gold Corned Beef at hindi matabang. This is definitely my kind of comfort food,” tsika pa niya.

Bilang isang endorser, napatunayan na nga ni Piolo ng ilang beses kung gaano siya ka-effective. “Kasi when I believe in a product, I’d like the people to see it, try it.”

Naniniwala rin ang Pambansang Papa P na bilang isang celebrity at endorser ay may responsibilidad siya sa publiko lalo na sa popularidad na meron ang social media ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?