14

By

Anne kakaririn na mabuntis para kay Erwan

Sharing is caring!

TSIKANG atat na raw ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff na makabuo na sila ng baby.

Mag-iisang taon na rin naman nang ikinasal sina Anne at Erwan, last Nov. 12, 2018 sa New Zealand ay hindi pa raw nagagawa ng dalawa na mag-honeymoon na silang dalawa lang ang magkasama sa loob ng isang buwan o mahigit.

Kung magkakaroon ng pagkakataon na magsama ang mag-asawa, ‘yun ay pag may biyahe silang dalawa sa abroad, pero ang sinasabing pagkakataon ay madalang pa raw sa patak ng ulan dahil sa kapwa sila busy.

Mas lamang daw ang kabisihan ni Anne dahil bukod sa kanyang daily TV noontime show sa ABS-CBN 2 na It’s Showtime, kabi-kabila rin ang kanyang pelikulang ginagawa, bukod pa sa parating na concert.

Tsika nga na para raw mapansin si Erwan ng asawa ay tumutulong na rin ito sa promo ng pelikula ng kanyang misis na aktres.

Tulad na lang sa “Buy Bust” movie ni Anne, nag-post ng video si Erwan na pabirong sinabi nito na dapat panoorin ng masa ang pelikula ni Anne at kung hindi ay baka raw bugbog ang abutin niya. Ayon pa sa kampo nina Anne at Erwan, dahil sa super understanding daw ng mister niya ay malamang bago sila mag-1st anniversary ay matuloy na ang kanilang honeymoon.

Tsika rin na baka maunahan pa ni Anne ang hipag na si Solenn Heussaff na mabuntis dahil sa feel na raw ni Erwan na magkaroon sila ng baby.

Well, baka next year ay mabuntis na si Anne ‘pag natuloy ang kanilang honeymoon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?