361
anne-curtis
Mar 19, 2018 @ 14:43
By

Anne inampon ang BF ni Jasmine

Walang dudang kahit magpakasal na si Jasmine Curtis Smith sa kasintahan nitong si Jeff Ortega, one hundred percent na aprubado ito ng kanyang ateng si Anne Curtis.

Sa birthday message nito para kay Jeff sa Instagram post nito nang larawan nilang tatlo ni Jasmin, mababasang tanggap ni Anne ang binata para sa kanyang younger sister. Sinabi pa nitong parang adopted baby na nila ang lalake. Pinuri rin ng Showtime host ang pagiging mabait nito.

@annecurtissmith, “Happy birthday to our adopted BB @jeffortega. You are one of the nicest guys I know jeff!! Thank you for being an awesome human! Always smiling, ready to engage in conversartion and most importantly THANK YOU for making my sister soooo happy! We love you. Here’s to an amazing year for you. See you in Melbs real soon!!! Shakaaaaaka mate!”

Totoong masaya si Jasmin sa boyfriend nya na mababasa naman sa kanyang Instagram message.

Nag-compile si Jasmin ng videos ng mga vacation nila ni Jeff sa iba’t-ibang lugar. Mapapanood sa video na si Jeff ang bida, na parang tribute ito ng aktres para sa kanyang boyfriend.

Sa mensahe ni Jasmin sinabi nitong “my everything” ang kanyang nasabing kasintahang.

@jascurtissmith, “Happiest birthday my bb @jeffortega. My strength when I am weak, my courage when I am in fear, and my constant reminder of how beautiful life is when it seems like the world is about to crumble.

“My best friend, my lover, my boyfriend..My everything, I wish everyday that your smile never fades, that your heart always radiates, and your energy and passion to make everyone happy never tired but never forget to make yourself happy too. (I’ll be here to remind you!!) I Love you.” #pofferjeff #SunsetLover.”

Bagamat, ayon kay Jasmin wala pa silang planong pakasal ni Jeff asahang marami ang matutuwa kung sila ang magkakatuluyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?