145

By

Anne inagawan ng titulo si Erich, mga fan imbiyerna

Sharing is caring!

Nagtataka naman si Anne Curtis dahil pati naman daw ang pag-aaksiyon niya ay ginagawan pa ng intriga dahil ikinukumpara nga siya ngayon kay Erich Gonzales. Sa movie niyang ‘Buy Bust’ na una pang ipinalabas sa North America, nakikita nga ang very unglamorous Anne na parang Angelina Jolie lang ang peg na naghahawak ng baril, tumatakbo, nakikipag-aksiyunan kaya marami ang nagbibiro sa kanya na siya na ang pinakabagong Action Queen ng local showbiz.

Pero, teka nga, dahil ang mga faney ni Erich ay ayaw pakabog sa titulong ‘yun dahil wait and see na lang daw sa paglabas ng pelikula nitong Send Off na talaga namang action-packed din.

E, kasama rin dun ang ‘It’s Showtime’ host, kaya ayon sa iba’y lamang talaga ito sa ‘The Blood Sisters lead’ actress.

Pero, nang si Anne naman ang tanungin tungkol dito sa grand mediacon ng ‘Buy Bust’, sinabi niya na hindi sila in competition ni Erich sa titulo, pero pareho silang competitive upang gawin ang lahat para sa ikakaganda ng movie nila.

Natutuwa pa nga raw sila pareho na for so many years na natutulog ang action genre, heto’t mu­ling nagbubukas ang pinto sa mga female lead na gumawa ng mga action film.

So kumbaga, instead na isipin na nagpapatalbugan sila o gustong makipagkabugan sa isa’t isa, bakit hindi na lang nila pagtulungan na muling ma­ging aktibo ang mga moviegoer at producer sa departamentong pinagharian nina Fernando Poe Jr., R­amon Revilla Sr., Rudy Fernandez, at ang Action Queen na si Virginia Aristorenas.

Ipinagmamalaki nga ni Anne na ina­bot ang Viva Films at Reality Entertainment movie na ‘Buy Bust’ ng dalawang taon bago matapos kaya ma­imagine natin kung ilang galos, pasa, pagod at puyat ang naranasan niya para lang maging convincing ang bawat action scene niya.

Kahit nga raw nang ikasal sila ni Erwan ay meron pa siyang mga pasa-pasa at fresh wound sa kanyang arms na naitago lamang ng mahabang sleeves ng kanyang wedding gown.

Good luck, Anne sa August 1 and onwards!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?